[Chorus]
Swerte mo kung mapagbibigyan ingatan mo ang pagibig ng Isang Kakaibabe , Kakaibabe , Kakaibabe , Kakaibabe
Pag natagpuan Wag pakawalan minsan lang makahanap ng Isang kakaibabe , Kakaibabe , Kakaibabe , Kakaibabe.

[Verse 1]

Simple walang arte prente lang sya lagi
Pagkakasundo ng puso't utak nyo ay grabe
Kayang sumabay sa trip ng inyong tropa
Siya pa yata makakatalo sayo sa dota
Di ka pahihirapan pa Akyatin ng ligaw
Kahit ang kaya mong ipakain lang ay isaw
Wag ka magkakamali na pagisipan sya ng cheap
Wala lang talagang kaso sa kanyang tumanggi
Marunong maglaba kahit wala sa itsura
Di nya na rin kailangan pang pumustura
At kahit na kanino mo dalhin at Pakilala
Na GGV ang lahat sa galing niya makisama
Di nananakal at 'di namumulis ng cellphone yan
Pero magloko ka lang lagot at mapepektusan
Oo magaling sya makipag biruan , Pero ang puso moy hinding-hindi paglalaruan.

[Chorus]
Swerte mo kung mapagbibigyan ingatan mo ang pagibig ng Isang Kakaibabe , Kakaibabe , Kakaibabe , Kakaibabe
Pag natagpuan Wag pakawalan minsan lang makahanap ng isang Kakaibabe , Kakaibabe , Kakaibabe , Kakaibabe

[Verse 2]

Simple lang pumorma pero swabe ang dating
Sa lahat yata ng bagay hanep grabe ang galing
Chick na mahinhin di mkabasag pinggan
Pero sa Basketball tambak hindi ka papagbigyan
Di nya na kelangan ng Gagagayuma
Para puso mo ay kanyang Mamamakuha
Di rin siya ung tipo na babae na pang Trip Lang
Kung manloloko ka magisip ka Please Lang
Ang ganda niya'y sapat
Para mapakanta ka ng Nasa'yo Na Ang Lahat
Ok lang yan , but siguro kulang ka sa talino kung sa kanya'y di tapat ,
At Kung inaakala mo na madali siyang palitan aba patunay to na kailangan ng tabasan mga sungay mo kundi hindi siya nararapat sa Buhay mo.

[Chorus]
Swerte mo kung mapagbibigyan ingatan mo ang pagibig ng Isang Kakaibabe , Kakaibabe , Kakaibabe , Kakaibabe
Pag natagpuan Wag pakawalan minsan lang makahanap ng isang Kakaibabe , Kakaibabe , Kakaibabe , Kakaibabe

[Verse 3]

Di mo siya maririnig humingi ng tawad,
Mararamdaman mo nalang at magugulat at gagaan ang loob kaya siya ay walang katulad
Di sya yung babae na masasabing tipikal
Dahil mismo ang ugali at ganda sumatutal ang buo niya'ng pagkatao ay higit sa pisikal Ohh.

[Chorus]
Swerte mo kung mapagbibigyan ingatan mo ang pagibig ng Isang Kakaibabe , Kakaibabe , Kakaibabe , Kakaibabe
Pag natagpuan Wag pakawalan minsan lang makahanap ng isang Kakaibabe , Kakaibabe , Kakaibabe , Kakaibabe
Swerte mo kung mapagbibigyan ingatan mo ang pagibig ng Isang Kakaibabe , Kakaibabe , Kakaibabe , Kakaibabe
Pag natagpuan Wag pakawalan minsan lang makahanap ng isang Kakaibabe , Kakaibabe , Kakaibabe , Kakaibabe.
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Kakaibabe Lyrics

Donnalyn Bartolome – Kakaibabe Lyrics

More Donnalyn Bartolome lyrics