Kung isang araw na lang
Ang bibigay ng Maykapal
Kakayanin ko pa ba
Na dumilat ang aking mga mata

Kung wala ka na
Paano na ang hiling ng isa't isa
Sa natitirang tibok ng oras kapag kasama ka
Sana

May isang araw pa tayo sinta
Magkayakap hanggang sa huling paghinga
May isang gabi pa tayong dal'wa
Sana ang ngayon di na maging bukas pa

Kung huling gabi na lang
Makikita aking mahal
Sasayangin ko pa ba
Ang liwanag ng iyong alaala

Kapag minuto na
Ang unti-unti nating binibilang
Sa nalalabing halik
Na di malilimutan kailanman

May isang araw pa tayo sinta
Magkayakap hanggang sa huling paghinga
May isang gabi pa tayong dal'wa
Sana ang ngayon di na maging bukas pa

Kung ito'y huling awit pipigilan kong saglit
Ang pagbawi ng langit
At sa'yo lang kakapit
Ang pagmamahal na walang kapalit
Buhay ko sa'yo ipipilit

May isang gabi pa
May isang gabi pa
May isang araw pa

Ang huling araw ay sa'tin sinta
Ang huling gabi ay sa'ting dal'wa
Sana ang ngayon di na maging
Bukas pa...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Huling Araw Lyrics

DJ Myke – Huling Araw Lyrics

More DJ Myke lyrics