Taglay mo sa bagwis ng iyong paghayo
Ang pangako ng walang hanggang bukas
Pabaon man sayo'y hapdi ng puso
Aabutin na ang pangarap...

[Pre-Chorus]
At ang bunga ng wagas mong pagsisikap
Pag-unlad nitong bayang nililiyag
Kapalit ng dalamhati't paghihirap
Pag-angat ng kabuhayang marilag...

Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa ay iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
Pangarap ng inang bayang tinatangi.

[Interlude]
(Pabaon man sayoy hapdi ng puso
Aabutin ang pangarap)

[Verse 2]
Tutularan ka ng sunod na salin-lahi
Kapuri-puring pag-aalay ng lakas
Nagpupugay sa makabagong bayani
Ang buong bansa'y nagpapasalamat

[Hook]
Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa ay iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
Pangarap ng inang bayang tinatangi...

[Bridge]
Ingatan mo ang lipad ng pangarap
Umaasa sa iyo ang bayan mong naghihintay
Kam'tin mo sa dulo ng lahat ng iyong pagpapagal
Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay...

[Outro]
Ang tamis na dulot ng iyong... tagumpay
Ang tamis na dulot ng Iyong tagumpay...

[Chorus]
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Lipad Ng Pangarap Lyrics

Dessa – Lipad Ng Pangarap Lyrics