Ito ang araw na inantay mo ng kay tagal
Buhat nung ikaw ay natutong magmahal
Nasaktan at nabigo, lumuha at natuto
Ang pagibig nga pala'y hindi isang laro

Sa milyon-milyon na tao dito sa mundo
Ay may nagiisang nakalaan para sa'yo
Siya rin ang dahilan ba't mga dating sininta
Ay di ipinagkaloob sa'yo ng tadhana

[Refrain]
Saksi ngayon ating mga pamilya't kaibigan
Sa harap ng ating Diyos na makapangyarihan
Dahan-dahan kang naglalakad patungo sa'kin
Sa saliw nitong tugtuging...

[Chorus]
Tan-ta-na-nan, Tan-ta-na-nan
Ikaw nga ang babaeng aking papakasalan
Tan-ta-na-nan, Tan-ta-na-nan
Aking makakasama sa magpakailanman
Ang pagibig na hinanap ko ng kay tagal
Nahanap din kita, bigay sa'kin ng Diyos na lumikha

Di mailalarawan ng kahit anong salita
Wala ngang sino man ang papantay sa iyong ganda
Napapailing na lang ba't mo ako nagustuhan
Piniling makasama oh ang swerte ko naman

Kaya pangako ko mula sa araw na ito
Sa bawat pagidlip at sa bawat gising mo
Ay sisikapin ko'ng kailan ma'y di magwawakas
Ang ngiti't ligaya ng iyong mga bukas

[Refrain]
Saksi ngayon ating mga pamilya't kaibigan
Sa harap ng ating Diyos na makapangyarihan
Dahan-dahan kang naglalakad patungo sa'kin
Sa saliw nitong tugtuging...

[Chorus]
Tan-ta-na-nan, Tan-ta-na-nan
Ikaw nga ang babaeng aking papakasalan
Tan-ta-na-nan, Tan-ta-na-nan
Aking makakasama sa magpakailanman

Ang pagibig na hinanap ko ng kay tagal
Nahanap din kita, nahanap din kita
Ikaw pala sinta ang bigay sa'kin ng Diyos na lumikha
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Wedding Song Lyrics

Davey Langit – Wedding Song Lyrics