Kahit saan mapunta ikaw ay nakikita
At sa aking paggising ika'y naaalala
Bakit ganito ikaw na lang lagi ang laman ng aking isip
Ilang beses na bang pinilit kitang limutin
O walang magawa ako'y bihag mo pa rin
Bakit ganito hindi na makatakas
Sa rehas ng iyong pusong ubod ng lakas

Pakiusap ko sa'yo ako'y dinggin
Ngayong alam ko na di mo na ko mamahalin
Ako'y iyong palayain at wag ng bihagin
Ngunit bakit ganito ika'y mahal pa rin

Sa iyong mga ngiti ako pa rin nabibighani
Ang iyong magandang tinig tulad pa rin ng dati
Diba't nagkasundo magkaibigan na lang tayo
Ngunit damdamin ko di mapilit na magbago

Pakiusap ko sa'yo ako ay dinggin
Ngayong alam ko na di mo na ako mamahalin
Ako'y iyong palayain
At wag ng bibihagin
Ngunit bakit ganito ika'y mahal pa rin

Di ko alam ang gagawin ngayong wala ka na sa aking piling
Ngunit walang magagawa pag-ibig mo ang susi
Sa pagkabihag kong ito ano ang gagawin ko

Pakiusap ko sa'yo ako ay dinggin
Ngayong alam ko na di mo na ako mamahalin
Ako'y iyong palayain
At wag ng bibihagin
Ngunit bakit ganito? Bakit ganito?

Pakiusap ko sa'yo ako ay dinggin
Ngayong alam ko na di mo na ako mamahalin
Ako'y iyong palayain
At wag ng bibihagin
Ngunit bakit ganito ika'y mahal pa rin
Wooh ika'y mahal pa rin
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Dinggin Lyrics

Davey Langit – Dinggin Lyrics