Lulan ng ulap ang pangalan mo
Tulad ng araw nung nagkakilala tayo
Umagang kay ganda, punung-puno ng kulay
Kailan kaya mauulit, hiwaga ng iyong ngiti

[Chorus:]
Ayoko ng isipin, di naman kayang pilitin
Kailan kaya mauulit, tamis ng iyong ngiti
Wag mo sanang akalain, walang humpay na pagtingin sa'yo
Ay mawawala lang sa pagsikat ng buwan

Lulan ng kusang-loob na pagtingin ang puso ko
Wala na ngang ibang tinitignan
Tama bang isipin ko na hindi ka pa handa
Tama bang isipin ko naunahan lang tayo ng tadhana

[Repeat Chorus]

[Repeat Chorus]

Wag mo sanang akalain, walang humpay na pagtingin sa'yo
Ay mawawala lang sa pagsikat ng buwan
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Tanong Lyrics

Danita – Tanong Lyrics

EASY GUITAR CHORDS FOR TANONG