Ano ba ang hanap mo
Pwede bang katulad ko
Ang ibigin mo ooh

Di mo na kailangan pang
Pumunta sa dulo ng walang hanggan
Para sumaya

[Refrain]
Ipikit mo lang ang iyong mata
Ang pusong mo makakita
Ng yamang di inaasahan

[Chorus]
Ika’y ginto sa puso ko
Sana ito’y malaman mo
Wala nang yaman sa mundo
Ang mas hihigit sa yo
Wala nang hahanapin pa
Sa yo ako’y kumpleto na
Walang yamang mas hihigit sa yo

Iwan mo na ang nagdaan
Matutong wag muling masaktan ang damdamin
Ako’y iyong pansinin

Di man ako tulad nila
Walang porma, walang pera
Pero mahal kita, ika’y mahalaga
At iingatan pa

[Repeat refrain and chorus]

Walang yamang mas hihigit sa yo
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Asian Treasure Lyrics