May mga taong dadaanin ka sa kilig
May mga nambobola gigimik sa awit
May mahilig magdadrama at mag magpapasweet
May dumedeadma pa at kunwari'y masungit.

Akala ko pa naman kung ako'y maiin-love
Parang eksena sa sineng may kilig at kintab
Parang koreanobelang sa Pilipino dinub
Naglalambingan sa Paris o saan man mapadpad.

[Chorus:]
Pero bakit ganyan bakit ganito
Hanggang ngayon tinatanong ko
Pag-ibig na ba ang feelings na 'to
Habang umiinom ng gulaman at sago.
Para baka magaspang gago
Di ka gentleman may sayad sa ulo
Pero tuwing magkakasama tayo
Walang binatbat anumang loveteam ng mundo

May mga taong lalambingin ka sa ngiti
May nagpapacute, may nangingiliti
May sobrang thoughtful, caring at sweet
Mayron namang di marunong magalit

[Repeat chorus x2]
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Bakit Ganyan Lyrics

Cris Pastor – Bakit Ganyan Lyrics

More Cris Pastor lyrics