1st verse:
Kapag naaala ang mga bagay na
Lalo na ang lahat lahat sayo sinta
Bakit ba may mga pangyayare
Na hindi maiwasan bumabalik sa dati

Aking isipan araw at gabi ikaw ang laman
Tila ba ako'y napagtritripan lang
Ng tadhana lalo na kapag tungkol sayo
Kinikilig ako, kapag nasa tabi mo

At kahit hindi halata aking nadarama
Basta't kasama ka feeling ko'y sumasaya
Ang oras parang napapahinto sa pag ikot
Hindi ako mapakali parang kinakalikot

Ang kamay na laging nakasuksuk sa bulsa
Sabay ngiti while nakatingin sa'yong mukha
At iniisip na sana mayrong isang bagay na
Sadyang magtagpo ang landas nating dalawa.

Chorus:
Kahit malabo pa
Ang pagmamahal mo grasya
Sinisinta kita lam mo ba
Ikaw lang ang mundo ko sinta
Pangarap kang talaga.

2nd verse:
Diba nga ang pag-ibig kusang dumarating
Andyan kana ba't kaya di ka mapasa akin
Puso mo gusto ko dapat na kasi ganito
Gusto mo puso ko yan ang pinaka gusto ko

Sa iyo ko nagustuhan ang di ko mahanap
Sa iba pero ikaw pa rin hinahanap
Hanap ko sana man lang malaman mo
'Tong pag-ibig ko laging nakatago

Na para bang ika'y iniingatang kayamanan
Wag ka lang sana mawala ng tuluyan
Wala nang mas meron pang itutumbas
Sa ganda mo grasya tinamaan ako ng malakas

At bakas pa rin saking mga paningin
Kahit anong gawin, pag-asa'y dumidilim
Sa isang babaeng abot langit ang tanaw
'Gang sa langit ang hiyaw, puso ko'y napapasigaw.

(Repaet chorus)

3rd verse:
Sa twing pinipikit ang aking mga mata
Napapaisip kung ano itong aking nadarama
Kakaiba bakit ba, bakit bakit bakit ba?
Ikaw pa kahit na, kahit kahit kahit na

An'labo na, malabo na bang maging akin ka?
Ano ba talaga ang dapat gawin para
Mahalin ako gaya ng pagmamahal sayo?
Anong dapat gawin para maging ikaw at ako?

Magsasama ng walang sinumang humahadlang
Magsasama ng walang sinumang nasasaktan
At wag hanapin ang pagmamahal ko
Dahil kusa ko namang ibibigay sayo

Pangako hinding hindi kita sasaktan
Pangako hinding hindi kita iiwanan
Pangako mamahalin kita ng totoo
Pangako mamahalin kita higit pa sa buhay ko

(Repeat chorus 2x)
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Malabong Pangarap Lyrics