Taglay mo sa bagwis ng iyong paghayo
Ang pangako ng walang hanggang bukas
Pabaon man sayo'y hapdi ng puso
Aabutin ang pangarap

At ang bunga ng wagas mong pagsisikap
Pag-unlad ng nitong bayang nililiyag
Kapalit ng dalamhati't paghihirap
Pag angat ng kabuhayang marilag

Chorus 1:
Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa ay iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
Pangarap ng inang bayang tinatangi

Hoooh... Haaaaah...

Tutularan ka ng sunod na salin-lahi
Kapuri-puring pag-aalay ng lakas
Nagpupugay sa makabagong bayani
Ang buong bansa'y nagpapasalamat

Repeat Chorus 1:

Ingatan mo ang lipad ng pangarap
Umaasa sa iyo ang bayan mong naghihintay
Na kamtin mo sa dulo ng lahat ng iyong pagpapagal
Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay...
Ang tamis na dulot ng iyong... Tagumpay
Iyong tagumpay
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Lipad Ng Pangarap Lyrics

Charice – Lipad Ng Pangarap Lyrics