Humayo't ihayag (purihin Siya)
At ating ibunyag (awitan Siya)
Pagliligtas ng Diyos na sa krus ni Hesus
Ang S'yang sa mundo'y tumubos

Langit at lupa Siya'y papurihan
Araw at tala Siya'y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan
(Aleluya)

Halina't sumayaw (buong bayan)
Lukso, sabay, sigaw (sanlibutan)
Ang ngalan Niyang angkin 'sing ningning ng bituin
Liwanag ng Diyos sumaatin

Langit at lupa Siya'y papurihan
Araw at tala Siya'y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan
(Aleluya)

At isigaw sa lahat
Kalinga Niya'y wagas
Kayong dukha't salat
Pag-ibig Niya sa inyo ay tapat

Humayo't ihayag (purihin Siya)
At ating ibunyag (awitan Siya)
Pagliligtas ng Diyos na sa krus ni Hesus
Ang S'yang sa mundo'y tumubos

Langit at lupa Siya'y papurihan
Araw at tala Siya'y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan
(Aleluya)

Halina't sumayaw (buong bayan)
Lukso, sabay, sigaw (sanlibutan)
Ang ngalan Niyang angkin 'sing ningning ng bituin
Liwanag ng Diyos sumaatin

Langit at lupa Siya'y papurihan
Araw at tala Siya'y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan
(Aleluya)

Ating pagdiwang pag-ibig ng Dios sa tanan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Dios sa tanan
Sa tanan
Sa tanan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan
Aleluya, aleluya, aleluya!
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Humayo't Ihayag Lyrics

Bukas Palad – Humayo't Ihayag Lyrics