Kulay ng ilog ay namumula
Mga anak mo ay namamangha
Bakit nangyari ang kaguluhan
Lito ka, pagod ka na naman

Pagdurusa'y walang katapusan
Hinahati ka ng digmaan
bakit walng pag uunawaan
Ikaw na naman ang nasaktan
Ina, ina, inang Bayan
O kay lubha ng yong karamdaman
O kay hapdi o kay sakit
Walang katapusang dusa
Ina, inang Bayan

Taglay mo na ang kahirapan
Tuloy tuloy mong pinasapasan
Sa dami ng iyong Karamdaman
Gusto kitang malunasan
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Inang Bayan Lyrics