Sa bawat dahon ng aklat ng buhay
Bakas ang luha na tumatangay
Inaanod ang pag asa unti unting nawawala
Haligi ng munting daigdig ko

Minsay naglalamig na rin ang araw
Ihip ng hangin ay gumiginaw
Nanlulumo nalulumbay, hanap ay isang gabay
Sa piling Mo'y hindi mabibigo

Koro:

Kahit magunaw man ang daigdig
Lisanin man ng init ang mundong nanlalamig
Kahit na humayo sa daang magkabilay bangin
Ikaw pa rin o Dios, Ikaw pa rin
Pag ibig Mo'y hindi magwawakas
Kalinga Mo o Dios ang siyang magbibigay lakas
Sa anumang panganib ginintuan ang Yong pagliligtas
Panatag at tiyak, itatawid Mo sa landas

Kung ang tadhanay di alam ang guhit
Pawang sagabal ang sinasabi
Ikaw ang syang tatawagan at saro koy aapawan
Ng pag asang kailanman ay dulot Mo

Koro

Tulay:

Itatawid, ililigtas,
Ihahatid hanggang wakas
Hanggang wakas

Koro

Itatawid mo sa... Landas
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Itatawid Sa Landas Lyrics

Arnel De Pano – Itatawid Sa Landas Lyrics

More Arnel De Pano lyrics