Kung ako'y iiwan mo
Kung ako'y iiwan mo
Sana'y dalhin mo rin ang puso ko
Na di rin titibok kung 'di sa 'yo
Ang kagandahan ng ating mundo
Dalhin mo rin paglisan mo

Landas ng pag-iisa
Tatahakin ko aking sinta
Upang 'di mamasdan ang bagay na
Magpapasakit sa alaala
Ngunit saan ako tutungo pa
Na 'di kita makikita

Kung ako'y iiwan mo
Kung ako'y iiwan mo
Matitiis ko ba muli pang mag-isa
Kapag wala ka na aking sinta

Pa'no ang gabi kung 'di ka mamasdan
At sa pagtulog ko'y pa'no kung 'di ka mahagkan
At may umaga ba sa aki'y sisikat pa
Kapag wala ka na at 'di na magisnan

Pa'no ang gabi kung 'di ka mamasdan
At sa pagtulog ko'y pa'no kung 'di ka mahagkan
At may umaga ba sa aki'y sisikat pa
Kapag wala ka na at 'di na magisnan

Kung ako'y iiwan mo
Kung ako'y iiwan mo
Matitiis ko ba muli pang mag-isa
Kapag wala ka na aking sinta

Pa'no ang gabi kung 'di ka mamasdan
At sa pagtulog ko'y pa'no kung 'di ka mahagkan
At may umaga ba sa aki'y sisikat pa
Kapag wala ka na at 'di na magisnan

May pag-ibig pa kayang malalabi
Kapag ang daigdig ko'y iniwan mo at masawi
May buhay pa kaya, kapag ika'y wala
Ang buhay ko kaya ay 'di madali

Kung ako'y iiwan mo...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Kung Ako'y Iiwan Mo Lyrics

Angeline Quinto – Kung Ako'y Iiwan Mo Lyrics