Ang buhay ng isang tao ay 'di nagtatagal
Pilitin man ng panaho'y hindi bumabagal
At kahit pa ano'ng gawin, puso'y tumatanda
Kaya't hanggang maaga pa'y tanggapin mo na

Ikaw ang magsasabi kung saan ka pupunta
Sana ngayon pa lamang ay isipin mo na

[Chorus:]
(Panahon)
Panahon
(Panahon)
Panahon

Araw ay magdaraan sa 'ting mga buhay
Tulad ng buhangin, lulusot sa 'yong mga kamay
Hawakan mang mabuti, ang agos ay tutuloy
Tulad ng dugo, ito ay dadaloy

Kaya't 'wag sasayangin ang iyong tinataglay
Tanganan mong mabuti ang takbo ng 'yong buhay

[Repeat chorus]

[Bridge:]
Hindi mababalik ang kahapon
At ang buhay ay 'di pang-habang-panahon

[Repeat 1st stanza]

[Repeat chorus twice]
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Panahon Lyrics

After Image – Panahon Lyrics