Naaalala ko pa mga panahong kasa kasama ka pa
Hindi maalis sa isip ko
Bawat araw may gumugulo
Nakikita ka pa rin sa harap ng salamin
Ano bang dapat gawin upang malimot ka
Kailangan ng tanggapin ang bukas ay harapin
Magising nalang na dina ikaw ang kasama
Di ko rin inaasahang mangyayari to
Bumitaw ka sa higpit ng pagka-kapit ko
Imumulat ang sarili sa katotohanang wala ka na
Pipilitin kong pigilin ang damdamin ko
Mag-isa nalang sigurong tatahakin to
Ang mga pangarap kong san ay kasama ka
Sa salamin ko nalang ba makikita

Chorus:
Sa tuwing ako’y titingin sa harap ng salamin
Bumabalik lahat ng alaala mo sa akin
Yung dati na tayo ba’y tinapon mo na
Wala na bang pag-asa na maayos pa
Ang dati mong pagtingin ba’y nagbago na rin
Dahil bitbit ko pa rin
Ang mga pangakong di mo na ba tutuparin
Nakikita ka pa rin sa tuwing ako’y titingin
Sa tuwing nasa harap na ng salamin

Sa tuwing titingin ako sa salamin
Nakikita ka pa rin dinadalaw ako ng ating nakaraan
Binabalak tanawin masakit man tanggapin
Ang mga kahapon di na mababalikan
Matagal tagal na rin ang tinahak natin na daan
Ang dulo ay magkasalungat
Padala-dala pa rin ang ala-ala nating di ko mabitawan kahit mabigat
Ganun na lang ba itapon ko na ba lilimutin ko na ba ang lahat lahat sayo
Gusto kong isalba di na maresolba tangi kong magagawa ay titigan ka palayo
Kasabay ng pagpatak ng luha ay paghawi sating mga nagdaan
Hanggang ngayon di pa rin tiyak ang mga nangyari satin paano ko lalagpasan
Dinaan mo pa sa biglaan ang yong pagkawala
At yung tayong dalawa para sayo ay balewala
Sadya nga ba talaga ako ay walang halaga
Kaya pag-ibig mo sa akin ay binaling sa iba
Pinipilit maging tama ang bawat pagkakamali
Pagbitaw mo sakin para sayo ay madali
Pait ang bumabalot sa peke kong mga ngiti
Matamis na tawa na sa likod nito ay hikbi
Na hindi mo napuna hindi mo na makuhang tumitig saking mata
Hinayaan mo na lamang na walang pag-alinlangan na masayang
Lahat lahat sa ating dalawa at
Sa muli kong pagharap sa salaminkasama ka pa rin ng aking matanaw
Pano pa makakausad palayo kung sa ating nakaraan hindi ako makabitaw

Chorus:
Sa tuwing ako’y titingin sa harap ng salamin
Bumabalik lahat ng alaala mo sa akin
Yung dati na tayo ba’y tinapon mo na
Wala na bang pag-asa na maayos pa
Ang dati mong pagtingin ba’y nagbago na rin
Dahil bitbit ko pa rin
Ang mga pangakong di mo na ba tutuparin
Nakikita ka pa rin sa tuwing ako’y titingin
Sa tuwing nasa harap na ng salamin

Naaalala ko pa rin ngiti mo at paglalambing
Ano bang dapat na gawin para lang alisin ka na
Sa aking isipan di ko maiwasan
Lumalarawan pa rin sa ‘kin ang nakaraan nating dalawa
Landas na tinatahak natin na magkaiba
Bakit ba tayo humantong sa ganito
Pareho tayong bumitaw kahit hindi naman natin ginustong mangyare
Pero di na bale alam ko namang masaya ka na sa kanya
Pipiliton ko na lang ipikit ang mata
Upang di makita na wala na talagang pag-asa

Chorus:
Sa tuwing ako’y titingin sa harap ng salamin
Bumabalik lahat ng alaala mo sa akin
Yung dati na tayo ba’y tinapon mo na
Wala na bang pag-asa na maayos pa
Ang dati mong pagtingin ba’y nagbago na rin
Dahil bitbit ko pa rin
Ang mga pangakong di mo na ba tutuparin
Nakikita ka pa rin sa tuwing ako’y titingin
Sa tuwing nasa harap na ng salamin

Kamusta ka na limot mo na ba yung minsan na satinay may nagdaan
Ako? Kumukurot pa rin sa akin ang tamis ng ating mga nagdaan
Di malaktawan ang nakaraan hindi ko makita ang hinaharap
Aminado akong ako ay nakakulong pa rin sa alaala nating kay sarap
Ang mga hirap sa isang iglap agad napapawi ng iyong ngiti
Ngayon ay hirap na hirap na akong ibalik ang mga masayang sandali
Pinaglayo man ng landas ang mga hakbang man natin ay nag-iba
Ramdam ko pa rin na kahit papano dyan sa puso mo ay may natitirang
Pag-asa pa na maibalik alam mo namang ako ay sabik
Nadadaya ang isip subalit ang puso ay lumalaban upang ika’y mapabalik
Sa aking piling makapiling ka lang mahagkan kang muli sa twina
Ako na lang pala ang nangangarap noon kase ikaw ay hindi na
Babalik sa dahilan na ikaw ay masaya na sa piling niya
Masakit man yon di na ininda dahil ligtas kang kapiling niya
Ngunit tangan ko pa rin ang lahat ng mga alaalang nagdaan sa atin
Sa tuwing titingin sa salamin habang pinaplano ang buhay natin

Chorus:
Sa tuwing ako’y titingin sa harap ng salamin
Bumabalik lahat ng alaala mo sa akin
Yung dati na tayo ba’y tinapon mo na
Wala na bang pag-asa na maayos pa
Ang dati mong pagtingin ba’y nagbago na rin
Dahil bitbit ko pa rin
Ang mga pangakong di mo na ba tutuparin
Nakikita ka pa rin sa tuwing ako’y titingin
Sa tuwing nasa harap na ng salamin

Chorus:
Sa tuwing ako’y titingin sa harap ng salamin
Bumabalik lahat ng alaala mo sa akin
Yung dati na tayo ba’y tinapon mo na
Wala na bang pag-asa na maayos pa
Ang dati mong pagtingin ba’y nagbago na rin
Dahil bitbit ko pa rin
Ang mga pangakong di mo na ba tutuparin
Nakikita ka pa rin sa tuwing ako’y titingin
Sa tuwing nasa harap na ng salamin
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Salamin Lyrics

420 Soldierz – Salamin Lyrics

More 420 Soldierz lyrics